Jeep swak sa bangin: Pasahero dedo, 14 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa ang nasawi habang 14 pa ang sugatan matapos na dumausdos at mahulog sa may 250 metrong lalim na bangin ang isang pampasaherong jeepney sa bulubunduking highway ng Sitio Mocgo, Brgy. Sagubo, Kapangan, Benguet kamakalawa.
Sa report ng pulisya, hindi na nakaabot ng buhay sa Baguio General Hospital si Sarsenia Sapigao habang doon din isinugod ang ginamot na sina Mario Polon, Lanie Lacwayan, Chai-an Langcao, Jhemimah Langaoan at driver na si Carlito Manuel.
Dinala naman sa Kapangan District Hospital sina Wennie Manuel, Ritch Brandon Carino, Estrella Waclin, Corazon Lacwayan, Josephine Dagdag, Jovie Langaoan, Dexter Buyao, Jonard Alejandro at Jonie Jade Assan.
Nabatid na pauwi sa Kapangan galing ng Baguio City ang jeep nang tila hugutin ito pababa sa bangin dulot ng madulas na kalsada sanhi ng mga pag-ulan.
- Latest