^

Bansa

Gobyerno, dapat manguna sa paglutas sa COVID-19 hindi LGUs – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ng mga Pinoy na ang pamahalaan ang mas may responsibilidad na manguna sa paglutas sa krisis sa COVID-19 lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng nagkakasakit kahit na hinigpitang muli ang quarantine lockdowns sa NCR at kalapit na mga lalawigan.

Sa mobile phone interview ng Social Weather Stations (SWS) noong July 3-6  sa 1,555 res­pondents, may tatlo sa limang katao o 60% ang nagsabing ang national government na pinangu­ngunahan ng Presidente ng bansa ang dapat ma-nguna sa pagkilos laban sa COVID at hindi ang local government na pinangungunahan ng mga governors at mayors.

Samantala 23% ang nagsabing dapat ang LGUs ang higit na res­ponsable at 14% ang nagsabing dapat ang Pangulo at LGUs ang magkatuwang sa paglutas sa pandemya.

Sa survey,  61% sa Metro Manila ang naniniwalang higit na responsibilidad ng national government ang problema, at 60% mula sa nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Pareho naman ang opinyon hinggil dito ng 60% mamamayan mula sa urban areas at 61% sa rural areas.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with