^

Bansa

PhilHealth chief, iba pa sibakin! – PACC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth chief, iba pa sibakin! � PACC
Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa umano’y korapsyon sa PhilHealth, ibinunyag din nito na nag­lalabas ang ahensiya ng P2 bil­yon-P3 bilyon kada linggo dahil walang validation mechanism ang information technology system nila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Pre­sidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pagsibak kay Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Ricardo Morales at iba pang mga opisyal para matigil ang malawakang korapsyon sa ahensiya.

Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa umano’y korapsyon sa PhilHealth, ibinunyag din nito na nag­lalabas ang ahensiya ng P2 bil­yon-P3 bilyon kada linggo dahil walang validation mechanism ang information technology (IT) system nila.

Dahil dito kaya namamanipula umano ito ng mga empleyado at ng ospital at hindi nasusuri ng PhilHealth kung totoo ang mga claims na lantad naman sa korap­syon kaya namimiligrong mawalan ng pondo ang ahensiya.

Pinuna rin ni Belgica ang kaso ng Corpuz hospital na sa kabila ng rekomendasyon ng central office na sampahan ng kaso ang ilang tiwaling opisyal ay hindi ito ginawa ng regional office ng ahensiya.

Problema rin umano sa ahensiya na nasilip ng PACC ay ang kurap at mabagal na sistema sa kanilang legal system.

Nilinaw naman ni Belgica na mahaba ang listahan ng pangalan ng mga iniimbestigahan nila at inihahanda na nila ang paghahain ng kaso laban sa mga opis­yal ng PhilHealth sa Office of the Ombudsman.

vuukle comment

PACC

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with