Metro Manila hindi pa pwedeng ibalik sa GCQ
Lorenzana kumambyo
MANILA, Philippines — Biglang bawi si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagsasabing hindi pa dapat ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ang bagong paghayag ni Lorenzana na chairman ng Inter-Agency Task Force ay dahil sa biglang sirit ng kaso ng coronavirus cases.
Magugunitang nitong Lunes ay naitala ang single highest increase ng COVID-19 case na 6,958.
Dahil sa halos 7,000 bagong kaso ng coronavirus, naniniwala ang kalihim na maaaring mapalawig ang umiiral na modified enhanced community quarantine o MECQ.
Lunes nang sabihin ni Lorenzana na dahil sunud-sunod ang pagbaba ng virus cases ay maaari nang luwagan ang galaw ng publiko.
Subalit kinontra ito ng ilang stakeholders at inirekomenda pa ang pagpapalawig ng MECQ.
- Latest