^

Bansa

4K ‘jumper’ nakumpiska sa 42 bgys. sa Iloilo City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa loob lamang ng 10 araw ay umaabot na sa 4,000 illegal connection ang nasawata ng Distribution Utility na More Power and Electric Corp. (More Power) sa ilalim nang inilunsad nitong “Oplan Valeria” na nakatuon para mawakasan na ang matagal nang problema sa electric jumper sa Iloilo City.

Ayon kay Ariel Castañeda, hepe ng Apprehension Team ng More Power, ang mga nahulihang gumagamit ng jumper ay mula sa 42 barangay sa Iloilo City.

Aniya, inaaasahan nilang madaragdagan pa ang nasabing bilang na resulta ng kanilang mas pi­naigting pa na kampanya laban sa illegal connection.

Kasabay nito, nagbanta si More Power Legal Officer Atty. Allana Babayen-on sa mga residente na patuloy na nakikinabang sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin ito at papanagutin sa batas kung saan maaaring maharap sa pagkakulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.

Nasa 6 katao na ang kinasuhan ng More Power ng paglabag sa Anti Pilferage Law, ang mga ito ay napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper.

Sa 2019 technical study na ginawa ng Miescor Engineering Services Corp ay natukoy nito na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, na itinuturong dahilan ng pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3% sa ilalim ng dating power firm na Panay Electric Company (PECO) gayundin ang overloading sa linya ng kuryente kaya nakakaranas ng biglaang mga brownout.

Pinayuhan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng kuryente at sa halip ay mag-apply na ng kanilang sariling legal na kuntador ng kuryente.

vuukle comment

ELECTRICITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with