^

Bansa

Virgin coconut oil vs COVID-19 pinag-aaralan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng mga health experts ang potensiyal ng virgin coconut oil bilang posibleng lunas sa COVID-19 gayundin kung maaari ring gamitin ang abaca fiber bilang face mask.

Ito ang inihayag ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. na sinabing ang industriya ng niyog sa Bicol at iba pang rehiyon ay dapat hindi na pakawalan ang oportunidad sa kapakinabangan ng virgin coconut oil at ng abaca fiber lalo na kung mapatunayang epektibo ito.

Ayon kay Garbin, ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Department of Agriculture at Philippine Coconut Authority (PCA) ay dapat imobilisa ang industriya katuwang ang mga Local Government Units (LGUs).

Idinagdag pa nito na hindi lamang ang Pilipinas ang nakakapag-prodyus ng niyog sa buong mundo at marami ring kakumpetensya ang bansa kaya dapat magkaroon ng tamang istratehiya para sa ikauunlad ng industriya ng niyog at kung makagagamot ito sa COVID/19 ay mas lalong makabubuti.

“This is a coconut race we should win on behalf of millions of coconut farmers and their families,” giit pa ng solon.

vuukle comment

COVID-19

VIRGIN COCONUT OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with