^

Bansa

Pekeng contact tracers naglipana.

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pekeng contact tracers naglipana.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga lehitimong contact tracing teams ay hindi kailanman hihingi ng pera dahil ang trabaho lamang nila ay tuntunin at i-ma-nage ang close contacts, bawasan ang pagkalat ng impeksiyon at mag-alok ng diagnostic, counselling at treatment sa confirmed COVID-19 cases.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Eduardo Año ang publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng Contact Tracing Teams, upang makapanloko sa pamamagitan nang paniningil ng bayad para sa COVID test kits.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga lehitimong contact tracing teams ay hindi kailanman hihingi ng pera dahil ang trabaho lamang nila ay tuntunin at i-ma-nage ang close contacts, bawasan ang pagkalat ng impeksiyon at mag-alok ng diagnostic, counselling at treatment sa confirmed COVID-19 cases.

Nauna rito, nakatanggap ang DILG ng report mula sa DILG Region III na may nagpapanggap na miyembro ng contact tra-cing team at lolokohin ang mga biktima at sasabihin na close contact sila ng COVID-19 patient.

Ipipilit aniya ng mga ito na masuri ang mga biktima sa loob ng susunod na 72 hours at hihingi ng address para maideliber ang umano’y testing kits.

“Kapag naibigay mo na ang address mo, dito na sila magsisimula sa kanilang modus,” babala pa ni Año.

Una nang sinabi ng DILG na nagpakalat na   sila ng mahigit 69,000 contact tracers sa buong bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with