^

Bansa

Naidlip man, SONA ni Duterte binigyan ng gradong '9 out of 10' ni Roque

James Relativo - Philstar.com
Naidlip man, SONA ni Duterte binigyan ng gradong '9 out of 10' ni Roque
Makikitang nahihimbing sa kalagitnaan ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential spokesperson Harry Roque
Screengrab mula sa Facebook account ng RTVM

MANILA, Philippines — Kahit maraming ipinangakong talakayin na hindi nabanggit sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA), halos perpektong perpektong grado ang ibinigay ng Palasyo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati noong Lunes.

"Alam niyo po kayo, bago na 'yung format ng SONA natin," depensa ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing, Martes.

"Meron po tayong pre-SONA na tinatawag, kung saan 'yung mga detalye ay sinabi na ng mga kalhim ng iba't ibang departamento. Ang kay presidente lang po, is talagang 'yung direksyon at 'yung mga broad strokes. Hindi na po 'yung mga detalye."

Totoo nga naman na nagkaroon ng serye ng mga pre-SONA forum ang iba't ibang miyembro ng Gabinete, bagay na nagsimula noong ika-8 ng Hulyo. Kung napanood 'yan nang marami, hindi ito tiyak.

Ilan sa mga isyung tinalakay ni Duterte ay ang pakiusap niyang maibalik ang parusang bitay gamit ang lethal injection, pagganda ng credit ratings ng Pilipinas, economic benefits ng "Build, Build, Build", pagkakaroon ng P66-bilyong agricultural stimulus funds atbp.

Binanggit din ni Duterte ang pakiusap niya kay Chinese President Xi Jinping na masama ang Pilipinas sa mga unang mabibigyan ng COVID-19 vaccine kung kanila itong matatapos. Sa kabila niyan, iginiit ni Duterte na walang magagawa ang Pilipinas para bawiin sa Tsina ang mga teritorial waters at islang okupado ng Asian giant sa West Philippine Sea.

High grades pero tulog ang nag-grado?

"Kaya nga po, wala na tayo noong mga litanya ng mga figures na naririnig natin sa mga nakaraan na SONA. "So sa akin po, 9 out of 10 ang grado ng presidente," dagdag pa ni Roque, kahit pa nakatulog habang nagtatalumpati ang presidente.

Hindi tuloy naiwasang papagkatuwaan ng netizens ang tagapagsalita, na noo'y himbing na himbing noong nagsasalita ang pangulo.

Mahahalaga pero wala sa speech

Napupuna ngayon ang SONA speech dahil sa pagbira agad ni Digong sa ABS-CBN at kay Sen. Franklin Drilon sa simula't simula pa lang ng speech, kahit inaasahan na accomplishments at direksyon ng administrasyon ang primaryang pakay ng mga SONA.

Ang talumpati — na tumagal nang 1 oras at 40 minuto — ay walang nabanggit tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) recovery roadmap, bagay na ipinangako ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Basahin: Recovery 'roadmap' missing in Duterte's SONA

Bagama't hiningi ni Duterte ang muling pagpapasa ng Bayanihan to health as One Act, hindi naman isinama ni Duterte ang P1.3-trilyong Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE) bill sa agenda ng gobyerno para makabawi sa pandemya. Wala ring sinabi si Duterte hinggil sa P1.5 trilyong infrastructure spending bill.

Sa parehong speech, binanatan din ni Duterte ang mga mayor na telecommunications companies sa Pilipinas, at sinabing aagawin ng estado ang kanilang ari-arian kung hindi nila pagandahin ang kanilang serbisyo bago magtapos ang 2020.

"I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko 'yan, i-expropriate ko sa gobyerno," aniya.

"Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ to Bethlehem. Better have that line cleared."

vuukle comment

2020 SONA

HARRY ROQUE

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with