^

Bansa

IRR ng Anti-Terror Act pinaplantsa na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
IRR ng Anti-Terror Act pinaplantsa na
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tutukuyin ng DOJ team ang mga probisyon ng batas na kailangan ng IRR.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Sisimulan na ngayong Biyernes ng mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) ang diskusyon para sa bubuuing ‘implementing rules andregulations (IRR) ng kontrobersyal na Anti-Terror Act.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tutukuyin ng DOJ team ang mga probisyon ng batas na kailangan ng IRR.  Kasama nila dito ang legal team mula sa Office of the President (OP) at secretariat ng Anti-Terrorism Council (ATC).

Nakasaad sa batas na kailangang matapos ang IRR sa loob ng 90 araw nang mag-umpisa itong maging epektibo.

Sinabi ni Guevarra na naging epektibo ang batas noong hatinggabi ng Hulyo 18 na ika-15 araw makaraang malathala ito sa opisyal na Gazette website ng pamahalaan noong Hulyo 3.

Iba naman ang petsa para kay Solicitor General Jose Calida na nagsabi na Hulyo 22 ito naging epek­tibo na ika-15 araw nang mailathala ito sa ‘print’ sa Official Gazette noong Hulyo 6.

Sinabi rin ni Calida na epektibo na ang batas dahil sa hindi umano kundisyon ang IRR para maipatupad na ito. Ngunit iginiit ni Guevarra, na mas nararapat na hintayin muna ang IRR bago ito ipatupad ng husto.

Kasalukuyan na may 14 na petisyon nang naisampa sa Korte Suprema buhat sa iba’t ibang sektor at organisasyon na humihiling na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa batas at ideklara itong labag sa Konstitusyon.

vuukle comment

IRR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with