^

Bansa

Pinas, China nagkasundo sa West Philippine Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas, China nagkasundo sa West Philippine Sea
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang kasunduan ay nabuo matapos na hilingin ni Chinese Foreign minister Wang Yi ang virtual meeting kahapon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr.
Philstar.com/File Photo

Paiiralin ang friendly consultation

MANILA, Philippines — Matapos magpalitan ng maanghang na salita tungkol sa West Philippine Sea nitong mga nakaraang araw, nagkasundo na ang Pilipinas at China na resolbahin na sa pamamagiitan ng friendly consultation ang mga mahahalagang isyu para sa dalawang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang kasunduan ay nabuo matapos na hilingin ni Chinese Foreign minister Wang Yi ang virtual meeting kahapon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sinabi ng DFA na sa naturang meeting ay parehong iginiit nina Locsin at Yi na hindi ang maritime issues ang kabuuan ng ugnayan ng Piliipinas at China.

Nagkasundo rin umano ang dalawa na pareho silang kikilos para sa pagtalakay ng mga itinuturing na issues of concern at parehong magsusulong ng maritime cooperation na may respeto, sinseridad at pagkilala sa sove-reign equality ng dalawang bansa.

Ang pulong ng dalawang opisyal ay ginawa matapos ang pahayag ni Locsin na non-negotiable para sa PIlipinas ang pagkakapanalo nito sa arbitration case laban sa pilit na pag-aangkin ng China sa buong West Philippine Sea.

Sagot naman ng China na illegal at invalid ang court ruling ng permanent court of arbitration na pumabor sa Pilipinas.

vuukle comment

CHINA

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with