^

Bansa

Nagbebenta, bumibili ng plasma para sa COVID-19, binalaan ng DOH

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon sa publiko si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire laban sa mga nagbebenta at bumibili ng convalescent plasma para sa mga tinatamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na may dalang panganib ang mga ibinebentang plasma kung hindi dumaraan sa screening.

Posible aniyang may ibang sakit na maisalin sa pagbebentahan ng plasma.

Kabilang aniya dito ang mga “transmissable infections” kaya delikado ang nasabing bentahan ng plasma kung totoo man.

Ito aniya ang dahilan kaya ayaw ng DOH ang pagbebenta ng dugo dahil dapat munang masuri ang mga kukunan ng dugo o plasma.

Nakiusap si Vergeire na kung maaari ay magtungo sa mga piling blood centers ang mga nais mag-donate ng kanilang plasma na mga gumaling sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with