^

Bansa

4 pulis sa Jolo shooting positibo sa paraffin test

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 pulis sa Jolo shooting positibo sa paraffin test
Sinabi ni NBI Deputy Director Antonio Pagatpat na natagpuan ang traces ng gunpowder sa naturang mga pulis, tanda na nagpaputok sila. Nabatid rin na nagtugma ang mga basyo ng bala sa mga narekober na high-powered firearms na gamit ng mga pulis.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagpositibo sa paraffin test ang apat sa siyam na pulis na sangkot sa Jolo shootout na nagresulta sa pagkakapaslang sa apat na opisyal at tauhan ng Philippine Army.

Sinabi ni NBI Deputy Director Antonio Pagatpat na natagpuan ang traces ng gunpowder sa naturang mga pulis, tanda na nagpaputok sila. Nabatid rin na nagtugma ang mga basyo ng bala sa mga narekober na high-powered firearms na gamit ng mga pulis.

Nitong Huwebes, inilipat na sa custody ng PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City ang 9 na pulis.

Inaalam rin ng NBI kung nagkaroon ng tampering sa mga ebidensya na nakuha sa lugar at maging sa CCTV footage sa pamamagitan ng pagsasailalim dito sa digital forensic examination.

Naganap ang insidente noong Hunyo 29 kung saan nasawi ang apat na tauhan ng Army na nagsasagawa umano ng intelligence operations makaraang pagbabarilin sa Jolo, Sulu. Unang sinabi na isa itong ‘misencounter’.

 

vuukle comment

PARAFFIN TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with