^

Bansa

Mga naglabasang boto ng congressmen sa ABS-CBN, fake news! - Cong. Yap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Isang malaking fake news daw ang naglabasan sa mga diyaryo at social media hinggil sa boto o magiging boto raw ng mga kongresista hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN ngayong Biyernes.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, member ng Committee on Legislative Franchise, “wala pa pong botohan pero bakit may bilang na sa mga diyaryo at social media kung sino ang boboto ng yes o ng no...malaking fake news ito”.

“Pano nila nalaman?  Ikinwento ba ng mga mambabatas yung boto nila bago pa ang botohan?  Malinaw na ito ay pekeng balita,”  dagdag pa ni Yap.

Aniya, may mga mam­babatas na alam niya na hindi pabor na bigyan muli ng lisensya ang ABS-CBN pero inilagay na boboto ng ‘yes’ sa balita na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon pa kay Yap, mas makabubuti kung hintayin na lang ng mga tao ang botohan ngayong araw kung bibigyan ba o tuluyan ng ibasura na ang license application ng naturang media network.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with