^

Bansa

PGH sa COVID survivors: ‘Mag-donate ng blood plasma’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Phi-lippine General Hospital (PGH) sa mga pasyente na nakaligtas sa CO-VID-19 na mag-donate ng kanilang blood plasma na kasalukuyang kapos ngayon sa suplay para ipanggamot sa mga pas-yenteng nahawa ng virus.

Gagamitin ang convalescent blood plasma sa isinasagawang ‘clinical trial’ ng PGH makaraan ang mga unang resulta na nakatulong ito na agad na mapagaling ang mga pasyente. Karamihan umano sa 30 pasyente na malubha at kritikal ang kaso ay nagpakita ng pagsigla ng kalusugan makaraang mabigyan ng blood plasma.

“Unfortunately, wala na po kaming convalescent plasma kasi wala na pong nagdo-donate. So nana­nawagan po kami,” ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.

Sinabi ni Del Rosario na sa dami ng mga survivors ng COVID-19, magiging malaking tulong kung karamihan sa kanila ay mag-donate ng kanilang blood plasma para tuluyang matuldukan ang pagkalat pa ng virus.

Tiniyak niya na hindi naman sa ospital kukunan ang mga survivors ng blood plasma kundi sa isang pribadong lugar para hindi sila muling mahawa.

Kung mas maaga umanong maibibigay ang blood plasma sa mga pasyente na may mild cases ay hindi na aabot sa mas malubha o kritikal na kundisyon ang mga pasyente.

Sa mga COVID survivors na nais mag-donate ng blood plasma, sinabi ni Del Rosario na maaari silang makipag-ugnayan sa PGH Hotline.

Kabilang sa mga re-gular na nag-donate ng kanilang blood plasma sina Sen. Sonny Angara at ilang mga artista at cele-brities.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with