^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa lampas 50,000 na matapos madagdagan nang 2,539

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa lampas 50,000 na matapos madagdagan nang 2,539
Kinukuha ang temperatura ng aleng ito bago sumakay ng bus sa isang istasyon ng tren, ika-7 ng Hulyo, 2020
AFP/Miggy Hilario

MANILA, Philippines — Wala pa ring tigil ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas apat na buwan mula nang unang ibaba ang community quarantine sa Metro Manila noong ika-15 ng Marso.

Sa taya ng Department of Health (DOH), 50,359 na ang kumpirmadong nadali ng nakamamatay na sakit. Mas marami 'yan nang 2,539 kontra sa mga naiulat ng gobyerno kahapon.

Ito na ang pinakamalaking pagtalon ng talaan ng DOH kaugnay ng COVID-19 cases sa isang araw lamang sa kasaysayan.

Nakuha ang mga naidagdag mula sa 1,922 "fresh" cases at 617 "late" cases, o yaong mga resultang ibinahagi sa mga pasyente sa nakaraang tatlong araw at apat na araw pataas.

Karaniwang naglalabas ng updates sa case tally ang DOH sa pagitan ng 4:00 p.m. hanggang 5:00 p.m. ngunit nakapaglabas lang ito bago mag-9:30 p.m. nang gabi.

Sa kasawiang-palad, limang kaso pa ang nautas dulot ng COVID-19. Dahil diyan, 1,314 na sumatutal ang namamatay kaugnay nito sa Pilipinas.

Ligtas naman na mula sa sakit ang 202 pa, bagay na nag-aakyat sa local recoveries sa 12,588.

Kaninang madaling araw lang nang iere ang recorded broadcast ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan sinisisi niya ang mga taga-Cebu sa pagdami ng COVID-19 cases doon.

"People were partying, gambling outside of their houses in Talisay, that's in Cebu. Basta para sa kanila, balewala," sabi niya.

"Ang sabi ko nga, kayong mga Cebuano huwag kayong magalit sa akin. Do not... I'm a Cebuano and I have every reason to be concerned about the welfare of the province of my father."

Kasalukuyang Cebu City ang may pinakamalaking bilang ng COVID-19 infections sa buong Pilipinas sa ngayon.

Nasa 11.5 milyon na ang nahahawaan ng virus sa buong mundo simula nang unang kumalat ang sakit galing Wuhan, China. Sa bilang na 'yan, namatay na ang 535,759, ayon sa World Health Organization (WHO)— may mga ulat mual sa The STAR

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with