Guidelines sa mga barbershops, salons inilabas
MANILA, Philippines — Inilabas na kahapon ng Malacañang ang updated guidelines para sa mga salons at barbershops na bukod sa haircutting ay puwede ng magbigay ng iba pang serbisyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa paggupit ng buhok, puwede na rin ang iba’t ibang hair treatment services sa mga lugar na nasa ilalim ng general community qua-rantine (GCQ).
Mas marami namang serbisyo ang puwede na sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ kasama ang hair treatment services, nail care, basic facial care tulad ng make-up, eyebrow threading, eyelash extension at facial massage, waxing, threading, shaving, foot spa at hand spa.
Pero nilinaw ni Roque na ipatutupad ang mga nasabing serbisyo sa ilalim ng mahigpit na protocol sa hand sanitation, face masks or face shield, guwantes at sterilized equipment.
Pagdating sa opera-ting capacity, sa ilalim ng GCQ, pinapayagan ang 30% operating capacity sa barbershops at salons, at 50% sa MGCQ hanggang Hulyo 15.
Simula sa Hulyo 16, ang operating capacity sa GCQ ay magiging 50% na samantalang 75% capacity sa MGCQ.
- Latest