^

Bansa

OFWs na namatay sa COVID-19 pinabibigyan ng military honors

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabibigyan ng full military honors ng isang kongresista ang mga OFWs na namatay sa COVID-19 habang nagta­trabaho sa ibang bansa.

Sa House Resolution 1027 ni Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr., nakasaad na itinuturing bilang modern-day heroes ang mga OFWs dahil sa kanilang sakripisyo at malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.

Bukod sa military ho-nors, ipinasasagot din ni Datol sa pamahalaan ang gastusin sa pagpapalibing sa nasabing mga OFWs.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, umabot na sa 8,679 ang bilang ng mga OFWs na dinapuan ng COVID-19 sa ibang bansa, 577 sa mga ito ang nasawi.

Paliwanag ni Datol, vice chairman ng House Committee on Foreign Affairs, hindi lamang mga sundalo, beterano ng digmaan at mga pamban-sang alagad ng sining ang maaaring pagkalooban   ng full-military honors.

Aniya, pasok din sa itinatadhana ng Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act  8491) ang mga OFWs na nagpamalas ng natata-nging serbisyo sa bansa.

Alinsunod sa military honors, ang labi ng mga ito ay gagawaran ng  flag-draped casket, vigil guard, 21-gun salute, taps at wala ring babayaran sa pagpapali-bing ang kanilang mga pamilya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with