^

Bansa

Dinapuan ng COVID-19 sa bansa nadagdagan nang 1,540, lumobo sa 47,873

James Relativo - Philstar.com
Dinapuan ng COVID-19 sa bansa nadagdagan nang 1,540, lumobo sa 47,873
Ginagabayan ng train staff na ito ang pila ng mga mananakay na pasakay ng bus sa isang istasyon kasabay ng pagsususpindi ng MRT-3 dahil na rin sa pagdami ng empleyado nitong COVID-19 positive, ika-7 ng Hulyo
AFP/Miggy Hilario

MANILA, Philippines (Update 1, 5:15 p.m.) — Walang-puknat pa rin ang pagbuhos ng panibagong bilang ng nahahawaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang papalapit ang ikaapat na buwan ng pagpapatupad ng quarantine protocols kaugnay ng sakit sa susunod na linggo.

Sa huling taya ng Department of Health (DOH), Martes, nadagdagan pa kasi ito nang 1,540, dahilan para mapirmi ang kabuuang kumpirmadong infections sa 47,873.

Galing 'yan sa 993 "fresh" cases at 547 "late" cases, o mga resulta ng tests na ibinahagi sa mga pasyente sa nakaraang tatlong araw at apat na araw pataas.

Ito na ang ika-limang sunod na araw na lampas 1,000 ang naidagdag na COVID-19 case sa talaan ng DOH.

Kung iaawas ang kabuuang bilang ng mga gumagaling at namatay na mula sa sakit na ito sa Pilipinas, lalabas na 34,178 ang aktibong kaso nito sa ngayon, patuloy ng DOH.

"The DOH is working with the [Department of the Interior and Local Government] and the local government units... where there are confirmed cases to ensure that mild and asymptomatic positive individuals are regularly monitored," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

"Tandaan po natin na kapag tayo po ay mild or asymptomatic patients, dapat po tayong manatili under quarantine. Maaaring sa bahay o sa quarantine facilities."

Ipinaliwanag din ng DOH official na wala pa rin sa "second wave" ng COVID-19 infections sa Pilipinas sa ngayon, ngunit lumalaki lang daw ang bilang ng mga kaso dahil sa pagdami ng testing.

Nasawi naman na dulot ng virus ang 1,309 katao sa bansa. Mas mataas 'yan nang anim kumpara sa naibalita ng gobyerno kahapon.

Swerte namang gumaling mula sa COVID-19 ang 201, bagay na nag-aangat sa bilang ng total recoveries sa 12,386.

Sa kabila ng pagdami ng mga kaso, naninindigan naman ang Malacañang na nagwawagi ang gobyerno sa laban nito sa pandemya.

"Nakikita po natin ang datos, di po tayo nag-i-imbento ng datos," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing, dahil na rin daw sa pagkalma ng case doubling rate at 6-7% positivity rate kada 100,000 tinetest.

"So, I will always say, we are winning against COVID-19."

Kanina lang din nang sabihin ni Dr. Guido David ng UP OCTA Research group na posibleng lumampas nang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Sa ngayon, 11.42 milyon na ang tinatamaan ng pathogen sa buong daigdig. Patay naman na mula diyan ang 534,062, ayon sa World Health Organization.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with