Panibagong P1.3-B overpriced fertilizer deal sumingaw
MANILA, Philippines — Mariing binatikos ng grupo ng mga magsasaka ang Department of Agriculture (DA) dahil sa bagong P1.3-B overpriced fertilizer supply deal.
Ayon kay Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sa pagkakataong ito, muli na namang nagkaroon ng iregularidad sa DA na kapareho lamang ng ginawa noong buwan ng Mayo.
“Just like what happened in May, the DA again qualified only one bidder per lot contract/s grouped together to form one lot. And all the bid prices are again ridiculously overpriced,” pahayag ni So.
Anya, itinulot ng DA ang next round ng bidding ng abono kahit na may pinag-uusapan pang problema hinggil sa unang kontrata na hinaluan ng anomalya dahilan sa muli na namang overpriced ang biniling fertilizer ng gobyerno.
Ayon kay So, ang qualified bidders na Goldman’s Supply Corp. para sa North Cotabato ay may halagang P975 per bag ng abono, ang First Planters Agri Solution para sa La Union at Ilocos Sur ay P975 per bag at sa Pangasinan ay P985 per bag; at ang Universal Harvester Inc. para sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino ay P975 per bag.
Anya, may halagang mula sa P850 hanggang P860 lamang ang per bag ng abono kaya ang ikalawang kontratang ito ay may P125 overprice kada bag ng fertilizer.
Nauna nang naireklamo ng grupo ang unang P1.8 billion overpriced fertilizer deal para sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas noong Mayo.
- Latest