^

Bansa

Positibo sa swab testing basehan sa lockdown ng mga korte

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Positibo sa swab testing basehan sa lockdown ng mga korte
Sa SC circular na may petsang Hunyo 30, isasai-lalim lamang sa 14-araw na lockdown ang korte para sa disinfection kapag may nagpositibo sa rapid testing at muling nagpositibo sa confirmatory swab test.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Magiging basehan ng mga korte sa pagpapatupad ng lockdown ang pagkakaroon ng positibo sa swab tests at hindi sa rapid testing.

Sa SC circular na may petsang Hunyo 30, isasai-lalim lamang sa 14-araw na lockdown ang korte para sa disinfection kapag may nagpositibo sa rapid testing at muling nagpositibo sa confirmatory swab test.

Kapag positibo sa rapid at nagnegatibo naman sa swab test, kailangang manatiling bukas ang korte, ayon kay court Administrator Jose Midas Marquez.

Pero habang naghihintay ng resulta ng confirmatory test, dapat nagsasagawa na ang staff ng mga korte ng ‘contact tracing’.

Ang mga empleyado na may sintomas naman ay dapat magkusa nang sumailalim sa 14-araw na self-quarantine hanggang sa mawala ang mga sintomas.

Inilabas ang panuntunan para masiguro na hindi basta-basta isasarado ang mga korte at hindi mapagsisilbihan ang publiko base sa hindi kumpirmadong test results.

Ipatutupad rin naman ang pagpapatala ng lahat ng bisita bago pumasok sa mga gusali ng mga korte para sa contact tracing.

vuukle comment

SWAB TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with