^

Bansa

Duterte gustong makaharap ang 9 pulis na nakapatay sa 4 Army men

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balak kausapin ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang siyam na pulis na nakapatay sa 4 na sundalo sa ng Jolo, Sulu nitong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson talagang nalungkot ang Pangulo sa nangyaring “misencounter” at iniutos na bilisan ng National Bureau of Investigation ang isinasagawang imbestigasyon.

Bagaman at hindi nagbigay ng detalye, sinabi ni Roque na sinabihan ng Pangulo si Interior Secretary Eduardo Año na nais niyang makausap ang siyam na pulis na naging dahilan nang pagkamamatay ng apat na sundalo.

“Without revealing kung kailan at saan mangyayari ang pagpupulong ay hiningi ni Presidente kay Secretary Año na gusto niyang makausap iyong mga pulis, iyong siyam na pulis na diumano ay nagpaputok doon sa apat na Army personnel, kasama ang isang Major,” sabi ni Roque.

Idinagdag pa ni Roque na bukod sa nalungkot ang Pangulo, ang ginamit pa nitong salita ay “nanlambot siya” nang malaman ang nangyari at gusto na agad pumunta sa lugar upang itaas ang morale ng mga sundalo.

“Lungkot na lungkot siya. Ang ginamit nga niyang salita ay siya ay nanlambot, extremely sad at gusto niya na pumunta mismo doon sa lugar kung saan nangyari, kung pupuwede, dahil gusto niyang ma-lift ang morale ng kasundaluhan dahil talagang parang mababa ang morale ng ating mga kasundaluhan,” sabi ni Roque.

Idinagdag aniya ng Pangulo na hindi dapat nagpapatayan ang may parehong idelohiya at sana ay huli na ang nasabing misencounter sa kanyang termino.

vuukle comment

ARMY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with