^

Bansa

P1,500 allowance sa internet ng teachers, giit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P1,500 allowance sa internet ng teachers, giit
Nakasaad sa House Bill (HB) 7034 o ang Internet Allowance for Public School Teachers Act na inihain ni ACT Assistant Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, kailangang mabigyan ng internet allowance ang mga pampublikong guro upang magamit sa ‘blended learning’ program ng Department of Education (DepEd).
Philstar.com/Era Christ R. Baylon, file

MANILA, Philippines — Dahilan sa karagdagang gastusin sa online learning, isinulong ng isang Kongresista na bigyan ng P1,500 allowance kada buwan para sa internet ang mga guro sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa.

Nakasaad sa House Bill (HB) 7034 o ang Internet Allowance for Public School Teachers Act na inihain ni ACT Assistant Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, kailangang mabigyan ng internet allowance ang mga pampublikong guro upang magamit sa ‘blended learning’ program ng Department of Education (DepEd).

Binigyang diin ni Castro na ang nasabing mga bagong pamamaraan ng pagtuturo sa mga estud­yante ay nangangailangan ng maayos na koneksyon sa internet.

Ayon kay Castro, maliit lamang ang tinatanggap na suweldo ng mga public school teachers para sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya kaya dapat sagutin na ng gobyerno ang allowance para sa paggamit ng internet.

 

vuukle comment

ONLINE LEARNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with