^

Bansa

Sen. Go, inilalaban na maimplementa ang UHC Law

Pilipino Star Ngayon
Sen. Go, inilalaban na maimplementa ang UHC Law
Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, napakahalaga ng kalusugan ng bawat isa kaya prayoridad niya ito, lalo ngayong panahon ng pandemya.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines  — Tiniyak ni Sen. Bong Go sa lahat ng Filipino na ilalaban niya ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law at maisalba ang operasyon ng Phi­lippine Health Insurance Corporations (PhilHealth) National Health Insurance Program.

Ayon kay Sen. Go, napakahalaga ng kalusugan ng bawat isa kaya prayoridad niya ito, lalo ngayong panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, isiniwalat ni Go na bukod sa kasalukuyang badyet para sa mahigit 6 milyong senior citizens, ay ipina-follow up na rin niya na mailabas kaagad ang karagdagang P4 bilyon para sa 800,000 senior citizens.

Ang tinutukoy ni Go ay ang dagdag na P4 billion halaga ng pondo na magko-cover 1-year health insu­rance premium contribution ng 800,000 senior citizens.

Alinsunod sa RA No. 10645, ang lahat ng senior citizens ay covered ng National Health Insurance Program ng PhilHealth.

Inapela na rin noong una ni Go sa Department of Health na tiyakin ang availability ng mga gamot at supplements na kailangan ng elderly population sa harap ng COVID-19 pandemic, maging ang  probisyon sa 20% discount sa vitamins and mineral supplements na reseta ng kanilang mga doktor.

vuukle comment

UHC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with