^

Bansa

13-oras brownout sa Iloilo City pinalagan ng solons

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na katanggap-tanggap para sa ilang kongresista ang mahigit sa 13-oras na kalbaryo ng brownout kasabay pakikibaka sa pandemic na COVID-19 sa Iloilo City.

Sinabi ni PHILRECA partylist Rep. Presley de Jesus, kailangan nang silipin ng House Energy Committee at ng Energy Regulatory Commission o ERC) ang sitwasyon ng kuryente sa nasabing lalawigan para masiguro ang reliability at stability ng power supply doon.

Giit niya, nagagalit na ang mga Iloilo consumers dahil sa mahigit 13-oras na brownouts at ang hindi kapani-paniwala na 21 brownouts sa isang araw lamang.

Ito ay nagsimula umano noong kunin ng MORE Power ang kontrol ng power distribution facilities mula sa Panay Electric Company (PECO), 100 araw na ang nakakalipas.

Nauna nang sinabi ni AKO Bisaya Partylist Rep. Sonny Lagon na kung umaasa lang sila sa MORE power sa ngayon na wala pang kumpletong pasilidad ay talagang hind maiwasan na magkaroon ng mga brownouts sa Iloilo City.

Kinalampag din ng Iloilo councilors ang MORE po­wer dahil sa hindi pagtupad sa pangako na magandang serbisyo sa mga taga Iloilo.

“The people of Iloilo City deserve more. MORE promised more and we are still [waiting for] MORE to give us the more that they promised.”giit naman ni Councilor Jay Treñas.

vuukle comment

BROWNOUT

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with