^

Bansa

Dayuhang turista posibleng payagan na sa Boracay, Bohol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ngayon ng Department of Tourism (DOT) na payagang makapagbakasyon ang mga dayuhang turista sa mga destinasyon na wala o may mababang kaso ng COVID-19.

Tinawag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ‘travel bubbles o travel corridors’ na isa sa kanilang aksyon para unti-unting mapa­lakas ang industriya ng turismo ng bansa.

Ang travel bubbles ay ang kasunduan ng mga piling bansa na tumanggap ng mga biyahe papasok sa kani-kanilang border. Sa ilalim nito, ang mga biyahero ay ‘di na sasailalim sa quarantine o kaya ay dadaan sa maiksing panahon lang ng quarantine.

Mga turista buhat sa mga bansa na wala o maliit ang kaso ng COVID ang plano nilang payagan na makapunta ng Pilipinas sa mga lugar na wala o mababa rin ang kaso tulad ng Boracay at Bohol, ma­ging ang Palawan.

Tinitignan ng DOT ang mga bansang Australia at New Zealand na maaa­ring magtungo sa Boracay at Bohol.

Ilan sa mga bansang matunog sa travel bubbles ay ang Thailand, Singapore, China, South Korea, Vietnan, Japan, Australia at ang New Zealand.

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with