^

Bansa

4 milyong pa posibleng maging jobless bago magtapos ang 2020 - DOLE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 milyong pa posibleng maging jobless bago magtapos ang 2020 - DOLE
Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, nasa 10% hanggang 15% ang mababawas sa workforce sa pagtatapos ng taon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa apat na milyong manggagawa ang posibleng mawalan ng trabaho sa pagtatapos ng 2020 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nasa 10% hanggang 15% ang mababawas sa workforce sa pagtatapos ng taon.

“It could be bigger, but we are looking at a possible resurgence of the BPO (business processing outsourcing industry),” saad ni Bello.

Una nang sinabi ng mga economic experts na posibleng lumaki pa ang mga call centers dahil maaaring lumipat sa outsourcing ang maraming kumpanya sa iba’t ibang bansa upang makabawas ng gastusin.

Inaasahan din ni Bello na makababawas sa unemployment rate ang pagpapatuloy ng Build, Build, Build program ng gobyerno sa pagpapaigting pa ng construction activities.

Kinumpirma rin ng kalihim na nasa 2,000 kumpanya ang posibleng magdeklara ng permanent closure, redundancy, o retrenchment makaraang maapektuhan ang kanilang negosyo ng mahabang community quarantine period.

Plano naman ng DOLE na magpatupad ng P40-billion wage subsidy program upang panatilihin ng mga kumpanya ang kanilang mga manggagawa.

“It (Looming job cuts) will weaken economic activities. Hindi sila mamimili. Walang pupunta sa restaurants... walang business,” diin ni Bello.

Noong Abril, lumobo sa 17.7% ang unemployment rate o katumbas ng 7.3 milyong Pinoy na walang trabaho.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with