Maling ulat sa presyuhan ng fertilizer sanhi ng overpriced
DA chief pinag-iingat
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng national alliance of rural-based organizations si Agriculture Secretary William Dar hinggil sa mga tauhan na nagbibigay sa kanya ng maling ulat kaugnay ng presyuhan sa abono na nagbunsod ng umano’y overpriced fertilizer supply contracts na may halagang P1.8 billion.
Ayon kay Oftociano Manalo, national president ng Pambansang Mannalon, Mag-uuma, Magbabaul, Magsasaka ng Pilipinas (P4MP), dapat maipakita ng DA na ang bawat bag ng urea fertilizer ay P1,000 gayung ang totoong presyo nito ay P850 kada bag.
“I personally bought two bags of urea fertilizer last Friday. One cost P830 while the other fetched for only P810. And these bags were delivered to my house, which is at least 6 kilometers away from the outlet in Rosales, Pangasinan. That means the retail price already includes the delive- ry charge,” sabi ni Manalo.
Anya, may pagkakamali sa ulat ng DA na umaabot sa P1,000 ang kada bag ng abono.
Ang DA sa ilalim ng programang Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 (ALPAS sa COVID-19) ay naglaan ng P5.69 billion para sa procurement ng urea.
“The DA has field people -- how come they did not check the prevailing retail prices? I think some shady people at the DA have pulled a fast one Secretary Dar,” sabi pa ni Manalo.
Sabi ni Manalo ang anumang maling ulat sa presyuhan ng kalakal ay isang matinding panloloko sa mamamayan,
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na maaaring makabili ng mas mababang halaga ng abono kung gugustuhin nito.
- Latest