^

Bansa

Malawakang brownout sa Iloilo imbestigahan - solons

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng ilang kongresista ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan ang malawakang brownout at umano’y mali-maling electric bill ng More Electric ang Power Corp. (MORE) sa Iloilo City.

Ayon kina Rep. Sonny Lagon at Abang Lingkod Rep. Joseph Steve Paduano, dapat siyasatin ng DOE at ERC ang power supply sa Iloilo City para hindi na magdusa pa ang mga tao lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Jose Allen Aquino, coordinator ng Koalisyon Bantay Kuryente (KBK), isang group advocating para sa consumers’ rights and welfare sa Panay island, na tumatawag na ang mga consumers sa tanggapan ng MORE para itanong ang dahilan ng mahabang brownout subalit wala silang tugon at wala rin agarang solusyon para sa pagbabalik ng kuryente.

Para naman kay PHILRECA partylist Rep. Pres­ley de Jesus, ang sitwasyon ng elektrisidad sa Iloilo ay nakakaalarma dahil ang mahabang brow­out ay nakakaapekto na sa kaligtasan at kalusugan ng mga Ilonggos at napaparalisa na rin ang mga negosyo doon kaya dapat na itong imbestigahan ng House Energy Committee at ERC.

 

vuukle comment

BROWNOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with