Dawit sa ‘overpriced’ fertilizer papanagutin
MANILA, Philippines — Hindi pa rin lusot ang mga nasa likod ng umano’y “overpriced” fertilizer supply contract na kinukuwestyon ng mga magsasaka sa Luzon.
Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), dapat busisiing mabuti ang tungkol sa P1.8-bilyong halaga ng fertilizer contract upang maparusahan ang nasa likod ng anomalya.
“The resolution of this issue is imperative especially since DA will procure another P3.8-billion worth of fertilizer. The next bidding must be put on hold until this matter on the P1.8-billion fertilizer contract is resolved,” pahayag ni Rafael Mariano, chairperson emeritus ng KMP.
Binigyang diin ni Mariano na hindi na dapat maulit pa ang kontrobersiyal na P728-million ‘Jocjoc Bolante fertilizer scam’ na walang naparusahan at nanagot.
Sa isinagawang bidding ng DA para sa 1,811,090 bags ng urea fertilizers para sa halagang P1.8 billion o may price tag na P1,000 per bag, lumalabas na ito ay umaabot lamang sa P850 per bag o may overpriced na P271.66 million sa kontrata.
Itinanggi naman ng DA ang alegasyon ng mga magsasaka at nangakong ibibigay ang impormasyon sa nagdaang bidding at procurement ng abono hinggil dito.
Niliwanag din ng DA na ang bidding price ay naibase sa price monitoring ng Fertilizer and Pesticide Authority para sa April 27 hanggang May 1 period at ang delivery at iba pag gastos ay pinagsama sa final cost ng abono kaya ito ay may halagang P1,000/bag ng fertilizer.
- Latest