^

Bansa

83% ng Pinoy, lumala ang buhay sa nakalipas na 1 taon – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
83% ng Pinoy, lumala ang buhay sa nakalipas na 1 taon � SWS
Ayon sa SWS, ang 6% ng 4,010 Pinoy nagsabing gumanda ang buhay na tinawag na “Gainers” na mas mababa sa 9% ng mga Pinoy na nagsabing gumanda ang buhay noong July 1985.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Lumubha ang buhay ng may 83 porsiyento ng mga Pilipino sa nakalipas na 12 buwan sa bansa.

Ito ang paniniwala ng may 4,010 Pinoy sa isinagawang  SWS Mobile phone poll mula May 4-10 sa hanay ng working-age Filipino sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nasa 10% naman ng naturang bilang ang nagsabing ang kanilang buhay ay pareho lang ng dati at 6% ang maayos ang buhay.

Bumulusok sa 83% ng mga Pinoy ang lumala ang buhay nitong June 2020 survey na malaking taas sa 62% lamang na nagsasabing lumala ang kundisyon ng kanilang buhay noong June 2008.

Ayon sa SWS, ang 6% ng 4,010 Pinoy nagsabing gumanda ang buhay na tinawag na “Gainers” na mas mababa sa 9% ng mga Pinoy na nagsabing gumanda ang buhay noong July 1985.

Ang term naman na “Losers” ay yaong mga Pinoy na lumubha ang buhay at ang mga nagsabing pareho lamang ang uri ng kanilang buhay ay binigyan ng term na “Unchanged”.

Ang non-commissioned SWS poll ay naisagawa  sa mobile phone at computer-assisted telephone interviews sa 4,010 working-age Filipinos na may edad 15 years old pataas nationwide. 

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with