^

Bansa

Ressa ‘di makukulong kung tatanggapin ang desisyon - Roque

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ressa �di makukulong kung tatanggapin ang desisyon - Roque
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may mga batas tungkol sa “probation at parole” at ang hatol kay Ressa sa kasong cyber libel ay pasok sa probation.
The STAR/Kriszjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Nakatitiyak si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makukulong si Maria Ressa na nahatulan ng mula anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo kung tatanggapin na lang nito ang desisyon at hindi iaapela ang hatol.

Ipinaliwanag ni Roque na may mga batas tungkol sa “probation at parole” at ang hatol kay Ressa sa kasong cyber libel ay pasok sa probation.

Sinabi ni Roque na kung ang hatol ay hindi lalampas sa anim na taong pagkabilanggo, maaaring mag-aplay sa probation ang nahatulan na tiyak na pagbibigyan ito ng korte basta’t hindi pa dati nagkaroon ng conviction.

Ayon pa kay Roque, binasa mismo niya ang desisyon at ang hatol ay hindi nangangahulugan na makukulong si Ressa.

Sa legal system anya ng bansa, binibigyan ng pagkaka-taon ang isang nahatulan na magbagong buhay kaya maaari silang makalaya kapag napagsilbihan na ang minimum na sentensiya.

Pero ipinunto ni Roque na mawawala kay Ressa ang pagkakataon na mag-aplay para sa “probation” sa sandaling iapela nito ang desisyon.

vuukle comment

CYBER LIBEL

MARIA RESSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with