^

Bansa

DepEd desidido, face-to-face enrollment papayagan bukas

Philstar.com
DepEd desidido, face-to-face enrollment papayagan bukas
Makikitang sabay-sabay na naglalakad ang mga estudyanteng ito bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Pahihintulutan ng Department of Education (DepEd) ang sa mga pampublikong paaralan para sa school year 2020-2021 simula bukas, ika-16 ng Hunyo, kahit na nasa gitna pa rin ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kaiba sa unang dalawang linggo ng enrollment kung saan "highly discouraged" ito dahil sa banta ng COVID-19.

"Physical enrollment in schools or other similiar activity shall be highly discouraged, even in low risk areas," sabi ng direktiba ng ahensya.

"The first two weeks shall completely be remote enrollment, where there will absolutely be no face-to-face."

Tuloy pa rin naman ang mga remote enrollment bukas kasabay ng face-to-face process.

Ika-1 ng Hunyo nang magsimula ang enrollment ng mga klase, na balak buksan sa pamamagitan ng "blended learning" simula ika-24 ng Agosto. Sa ilalim nito, gagamitin ng internet, radyo at telebisyon sa pagtuturo.

Para sa mga pisikal na mag-eenrol bukas, kakailanganin na gawin ito sa pakikipagtulungan ng mga local government units.

Una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na wala munang mangyayaring pisikal na klase, alisunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ika-25 ng Mayo nang sabihin ni Digong na hindi niya papayagan ang face-to-face classes hangga't wala pang nade-develop na bakuna laban sa COVID-19, bagay na matatagalan pa bago mailabas.

"Kasi hindi na — hindi na — wala nang aral. Laro na lang. Unless I am sure that they are really safe. It’s useless to be talking about opening of classes," sabi ng presidente.

Sa huling datos ng Department of Health, Linggo, umabot na sa 25,930 ang nahahawaan ng nakamamatay na virus sa Pilipinas simula nang makapasok ito mula sa Wuhan, China. Sa bilang na 'yan, 1,088 na ang namamatay. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Janvic Mateo

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

ENROLLMENT

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with