US, handang magbigay ng COVID-19 vaccines
MANILA, Philippines — Handa ang Estados Unidos na ibahagi sa Pilipinas ang COVID-19 vaccines.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang kanilang pagpupulong ni US Defense Secretary Mark Esper.
Ayon kay Lorenzana, sinabi ni Esper na ibabahagi nila ang vaccines sa mga kaalyadong bansa kabilang ang Pilipinas sa sandaling madiskubre ito ng mga eksperto.
Sa pahayag ni Esper, malaki ang posibilidad na madiskubre ang vaccine laban sa COVID-19 dahil sa patuloy na pananaliksik ng mga eksperto.
Pinasalamatan din ni Lorenzana si Esper sa medical assistance at donasyon nila ng medical supplies sa Pilipinas para sa COVID-19 pandemic.
Gayundin ay pinasalamatan ni Esper ang DND sa suporta nito sa terminasyon sa Visiting Forces Agreement.
Matatandaan na maging si Chinese President Xi Jinping ay nagpahayag ng kahandaang tumulong at magbigay ng vaccine sa Pilipinas na tinawag nitong “friendly neighbor”.
- Latest