^

Bansa

Magbibiro na may pasasabugin hindi agad aarestuhin – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Magbibiro na may pasasabugin hindi agad aarestuhin � Lacson
Nilinaw din ni Senator Panfilo Lacson na mali rin ang impormasyon na puwedeng pagsuspetsahang terorismo at arestuhin ang mga reklamador sa social media o mga madalas nagpapahayag ng kanilang opinyon o adbokasiya.
Geremy Pintolo/ File

MANILA, Philippines — Kasabay nang pagtatanggol sa isinulong na Anti-Terrorism Bill, tiniyak ni Sen. Panfilo Lacson na hindi kaagad aarestuhin ang mga nagbibiro lamang na may pasasabugin na isa sa mga ma­ling impormasyon na lumalabas sa social media.

Nilinaw din ni Lacson na mali rin ang impormasyon na puwedeng pagsuspetsahang terorismo at arestuhin ang mga reklamador sa social media o mga madalas nagpapahayag ng kanilang opinyon o adbokasiya.

Sinabi ni Lacson na nakasaad sa panukala na hindi ituturing na terorismo ang mga nagpapaha­yag ng adbokasiya, kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita at pati pagdaraos ng industrial strikes.

Malinaw din aniya ang nakalagay na “shall not” at hindi “may not” kaya hindi puwedeng ituring na terorismo ang mga nabanggit na karapatan ng mga mamamayan

Pero ibang usapan aniya kapag mabigat ang ebidensiya at talagang nanghihikayat na magrebelde sa gobyerno.

Wala aniya sa panukala na ang isang napagsuspetsahan lamang na terorista ay puwedeng arestuhin,

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with