^

Bansa

4 sundalo, 2 Abu Sayyaf patay sa engkwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na sundalo at dalawang bandidong Abu Sayyaf ang napaslang habang 17 pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan sa umaatikabong bakbakan sa Sitio Lagaron, Brgy. Kan-Ague, Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Arvin Encinas, AFP-Western Mindanao Command spokesman, alas-8:20 ng umaga nang maitala ang bakbakan sa liblib na bahagi ng nasabing lugar.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 6th Special Forces (SF) Batallion ng masabat ang tinatayang nasa 40 Sayyaf at agad nagpalitan ng putok na ikinasawi ng apat na sundalo.

Hindi muna tinukoy ni Encinas ang pagkaka­kilanlan ng mga nasawi sa tropang gobyerno dahil kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.

Ang mga nasugatang sundalo ay agad dinala sa Camp Teodulfo Bautista Hospital sa Busbus, Jolo at takdang ilipad sa Camp Navarro Station Hospital sa Zamboanga City.

Sinabi ni Encinas na dalawa naman ang nalagas sa mga kalaban na binitbit ng mga nagsitakas nilang kasamahan. Nagtamo rin ang mga bandido ng malaking bilang ng mga nasugatan base sa mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng militar laban sa mga nagsitakas na teroristang grupo.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with