^

Bansa

NEIC sasagipin ang naluluging private firms

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Ways and Means Chairman at  2nd District Albay Rep. Joey Salceda ang paglikha ng National Emergency Investment Corp. (NEIC) para makapaglaan ng P50-B pondo sa loob ng 2 taon upang sagipin ang mga pribadong kumpanya mula sa tuluyang pagbagsak dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang NEIC ang ma­ngangasiwa sa mga ‘joint ventures’ na kaila­ngang pasukin ng pamahalaan upang maisalba ang mga pribadong kumpanya na nalulugi.

Sinabi ni Salceda, isang kilalang ekonomista, na ang paglikha ng NEIC ay bahagi ng “Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines Act” (HB 6619) na ipinasa na sa Kamara kamakailan.

Ayon kay Salceda, ang HB 6619 na tinagurian ding National Economic Stimulus Plan ay magsisilbing ‘asset resolution company’ ng gobyerno na ang mandato ay iligtas sa pagkalugi ang mahahalagang pribadong kumpanya.

“Bunga ng masusing pag-aaral, ipinanukala namin ang NEIC na ang­kop sa kalagayan ng bansa natin, upang maprotektahan ang trabaho ng mga manggagawa sa mahalagang kumpanya,” paliwanag ng solon.

Pinuna ni Saceda na lubhang nangangaila­ngan ng tulong ang tu­rismo habang ang mga investors ay magdada­lawang isip at hindi magkakainteres na bumili ng magaganda pero nanga­nganib na mga hotel sa bansa.

“Kahit may malu­ging malalaking hotel sa Boracay dahil sa COVID, hindi papa­ngit ang Boracay. Hindi mawawalan ng negosyo ang mga hotel. Kung pamumuhunanan ang magandang mga hotel sa magagandang destinasyon, kikita ang mga ito ng malaki sa hinaharap,” giit ni Salceda.

Samantala sa mga airlines, kahit malugi ang mga ito sa kasalukuyan dulot ng pandemya ay mananatili itong mahalaga.

Aakuin ng NEIC ang mga obligasyon ng mga kumpanyang aayudahan nito, ayon kay Salceda.

vuukle comment

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with