^

Bansa

PNP handa na sa GCQ sa NCR

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP handa na sa GCQ sa NCR
Handa na ang mga pulis na idedeploy sa Metro Manila makaraang isailalim na sa general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bagama’t malaking hamon, tiniyak ng Phi­lippine National Police (PNP) na handa na sila ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila.

Ayon kay PNP Joint Task Force COVID Shield Commander P/Lt. Gene­ral Guillermo Eleazar, mas maraming tao nga­yon ang pinapayagang umalis sa kani-kanilang mga ta­hanan at mas ma­raming sasakyan ang inaasa­hang bibiyahe.

Papayagan ang tren at bus augmentation, taxi, TNVS (transport network vehicle service), shuttle services, point-to-point buses, mga bisikleta at traysikel.

Hindi naman kabilang ang public utility buses, UV Express units at mga jeep sa papayagang ma­kabiyahe sa unang phase ng pagbabalik ng pampublikong transportasyon simula ngayon hanggang Hunyo 21.

Aniya, magsasagawa pa rin ng random checking ang PNP sa mga motorista upang tingnan kung sila ay authorized persons outside residence (APOR) o mga manggagawa sa mga industriyang pinayagan nang mag-operate sa ilalim ng GCQ.

Kailangang ipakita ng mga motorista ang kanilang rapid pass o company ID upang patunayang pinapayagan silang magtrabaho sa ilalim ng GCQ.

Nagpaalala rin si Elea­zar sa publiko na kunin lamang sa kanilang mga lugar ang mga mahahalagang produkto at serbisyo dahil matatagpuan doon ang mga supermarket, drug store at iba pang establisimyento.

Aniya, hindi dapat mag-cross ng border dahil nananatili pa rin ang quarantine. Hindi pa rin normal ang sitwasyon sa ilalim ng GCQ.

Para naman sa mga nagbabalak na magtungo sa shopping malls, ta­nging edad 21 hanggang 59 lamang ang papayagang makapasok ng mga mall.

Subalit maaaring makontrol ng mga mall ang pagpasok ng mga mamimili, sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pinakamaraming bilang ng mga mamimili sa floor area.

Muli namang iginiit ni Eleazar na kaila­ngang kumuha ng travel autho­rity mula sa mga awto­ridad ang mga nais bumiyahe palabas ng Metro Manila.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with