^

Bansa

Palasyo sa publiko: ‘Makipagtulungan sa quarantine protocols’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang Malacañang sa publiko na maki­pagtulungan sa pamahalaan ngayong ilalagay na sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) ang bansa simula ngayong araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na inilatag na ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para masigurong ligtas ang lahat sa COVID-19 kabilang dito ang pag-iisyu ng guidelines na ipapatupad sa mga lugar ng trabaho, employers at mga manggagawa.

Iginiit ni Roque na alam naman ng lahat na hindi nakikita ang kalaban na COVID-19 at hindi pa ligtas ang Pilipinas sa masamang dulot nito.

Kaya ngayong maraming sector at industriya na umano ang magbubukas ay kailangan ang koope­rasyon sa mga otoridad sa pagpapatupad ng qua­rantine protocols kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask/face shields, pagpapatupad ng physical/social distancing, pananatili sa bahay kung hindi kinakailangang lumabas at pag-iwas sa maraming tao.

Paliwanag pa ni Roque, hindi kakayanin ng pamahalaan na mag-isang labanan ang COVID kaya kailangan ang pakikipagtulungan ng taumbayan dito.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with