‘50/50’ scheme sa balik-trabaho giit
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Malacañang ang mga employers na magpatupad ng 50/50 scheme sa pagbabalik ng trabaho sa Hunyo 1.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihikayat nila ang mga employers na hindi pagsabay-sabayin ang pasok ng mga empleyado kung saan 50% ay papasok sa opisina 50% ang magtatrabaho sa bahay.
Puwede aniyang magpatupad ng rotating schedule upang hindi limang araw ang pasok ng mga empleyado dahil limitado pa ang mga pampublikong sasakyan.
Idinagdag ni Roque na ang MRT at LRT ay 12% lamang ang kapasidad kapag nagsimula ang operasyon at ang mga bus ay 10% hanggang 50%.
Dagdag ni Roque, imposibleng magkaroon ng social distancing sa mga opisina kung papapasukin lahat ng mga empleyado.
- Latest