^

Bansa

Cebu City, Mandaue GCQ na rin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilagay na rin sa general community qua­rantine ang Cebu City at Mandaue City, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa meeting ng Inter-Agency Task Force(IATF) on Emerging Infectious Di­seases, napagdesisyunan na ilagay na rin sa GCQ ang dalawang siyudad simula Hunyo 1 hanggang 15.

Bukod sa Cebu City at Mandaue City, ila­lagay din sa GCQ ang Pangasinan, Region 2, Region 3, Region 4-A, National Capital Region kabilang ang munisipalidad ng Pateros, Region 7, Zamboanga City, at Davao City. Ang mga hindi naman nabanggit na lugar ay isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

Nilinaw ni Roque na magiging limitado pa rin ang galaw ng mga mamamayan at pampublikong sasakyan sa ilalim ng GCQ.

Mas magiging maluwag naman ang pa­nuntunan sa quarantine sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.

Ipinaliwanag din ni Roque na ang MGCQ ang “transition phase” o nasa gitna ng GCQ patungong “new normal.” Pero mananatili pa rin ang presensiya ng mga pulis para masiguradong nasusunod ang community protocols.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with