^

Bansa

Inuman, nauwi sa barilan: Mag-utol patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit na nasa ilalim pa rin ng Liquor Ban ang lalawigan ng Cavite, may mga nakakalusot pa ring matitigas ang ulo na nauwi pa sa pagkamatay ng magkapatid matapos humantong sa barilan ang inuman ng mga ito, sa isang subdivision sa Barangay San Francisco, Gen. Trias.

Kinilala ng pulisya ang magkapatid na napatay na sina Loreto Mascardo at Emilio Mascardo, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Santiago, Gen. Trias City.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang naka­barilan ng mga ito na sina Jaymar Cortez ng Sitio De Fuego, Brgy. San Francisco at Victor Alcantara Jr., ng Sec 1 Blk 4 L31 Sunny Brooke 2, Gen. Trias City na kapwa nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ni PSSg Cristopher H. Dumlao, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente ng barilan sa loob mismo ng Sunnybrooke subdivision Brgy. San Francisco.

Hapon nang magsimulang mag-inuman ang mga ito na inabot na ng hatinggabi. Pinag-uusapan umano ng mga ito ang nalalapit na homeowners election sa kanilang subdivision. At dahil mga lasing na, nagkapikunan ang mga ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Hanggang sa magkasahan ng kani-kanilang mga baril at tuluyang mag­kabarilan. Bulagta ang magkapatid na natadtad ng tama ng bala sa katawan at ulo habang inoobserbahan pa ang 2 suspek.

Narekober ng pulisya sa lugar ng insidente ang 18  Fired Catridge Cases ng Cal .45, 3 fired bullet ng Cal .45, 1 firearm Arms­cor Cal .45 na may serial number 1377571.

vuukle comment

LIQUOR BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with