‘Tuition fees gawing hulugan’
Duterte sa private schools
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong paaralan na gawing hulugan ang paniningil ng tuition fee ngayong may pandemic ng COVID-19.
Sa kanyang public address, hiningi ng Pangulo sa mga private schools na magpatupad ng staggered payments o installment sa tuition fee.
Iginiit ng Pangulo na, maraming magulang ang nahinto o nawalan ng trabaho bunsod ng problema sa COVID-19.
Para sa mga magulang na talagang walang pang-enroll sa kanilang anak ay puwede anyang humiram ng pera sa Land Bank.
Magbubukas umano ng sistema ang Land Bank kung saan maaring makapag-loan ang mga magulang upang mai-enroll ang mga anak.
- Latest