^

Bansa

Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, mabilis na - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na  magiging mabilis na ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP), lalo na sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa.

Ayon kay DILG Spokesman at Usec. Jonathan Malaya, nakahanda ang PNP para alalayan ang DSWD at mga LGUs sa pamimigay ng ayuda sa mga malalayo at ilang na lugar sa ating bansa para masiguro na matatanggap ito ng ating mga kababayan.

Sinabi ni Malaya na inaasahan niya na ang payout ng 2nd tranche ng SAP cash aid ay magiging mas mabilis at sistematiko dahil natutunan na ng mga LGUs ang mga pagkukulang sa naunang payout.

“Kinikilala namin ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng mga LGU sa pamamahagi sa unang tranche ng SAP. Nauunawaan namin ito dahil ito ang pinakama­laking financial cash aid para sa mga mahihirap na pamilya sa kasaysayan ng bansa,” ani Malaya.

“Pero ngayon, umaasa kami na mas magi­ging mabilis na ang pro­seso dahil pinagdaanan na nila ito at alam na nila ngayon kung paano mas magiging maayos at sistematiko ang pamamahagi ng SAP,” giit pa ni Malaya.

Nitong Mayo 28, ang deadline ng DILG ng pagsusumite ng ‘liquidation’ ng LGUs ng encoded na listahan ng mga benepisyaryo para sa pangalawang tranche sa DSWD.

“Tulad ng utos ni Kalihim Eduardo Año, kailangang tapusin na ng mga LGUs ngayon (May 28) ang liquidation report nila ng first tranche at isubmit na nila ito pati na ang encoded list of beneficiaries sa DSWD. Saka pa lamang tayo makapagpapatuloy sa 2nd tranche,” sabi pa ng  DILG Usec. Malaya.

Batay sa mga ulat mula sa DSWD, 472 LGU lamang mula sa 1,634 LGU sa buong bansa ang nakapagsumite ng kanilang mga ulat sa pag-liquidate sa ahensya nitong Mayo 26, 2020.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with