^

Bansa

Pagkain numero unong dahilan sa paglabas ng bahay habang 'quarantine' — SWS

James Relativo - Philstar.com
Pagkain numero unong dahilan sa paglabas ng bahay habang 'quarantine' � SWS
Naka-face mask ang mga mamimiling ito kontra COVID-19 habang nakapila para makakuha ng kani-kanilang rekurso sa pang-araw-araw.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pagbili ng pagkain ang pinakamalaking dahilan sa paglabas ng bahay ng mga Pilipino habang nagpapatupad ng lockdown kontra covonrvirus disease (COVID-19), ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Apat sa limang Pilipino edad 15 pataas ang lumabas sa bahay isa hanggang tatlong beses para sa "essential activities," ayon sa kanilang mobile survey mula ika-4 hanggang ika-10 ng Mayo.

Nasa 2.58 ang average na beses ng paglabas sa isang linggo ng mga na-survey para bumili ng pagkain — pinakamalaki kumpara sa iba pang essential activities.

  • bumibili ng pagkain (2.58 beses sa isang linggo)
  • bumibili ng gamot (1.29 beses sa isang linggo)
  • nag-asikaso ng transaksyong pinansyal (1.21 beses sa isang linggo)

Umabot sa 81% ng mga na-survey ang lumalabas sa bahay para makabili ng makakain.

'Yan ang lumalabas na datos sa ngayon kahit na isinisisi ng Palasyo na mga "pasaway" na labas nang labas ng bahay ang dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ika-21 ng Mayo ng sabihin ng SWS na dumoble mula 8.8% patungong 16.7% ang nagugutom na pamilyang Pilipino habang ipinatutupad ang quarantine measures kontra pandemic.

"The average number of times that one went out to buy food was 3.0 in the Visayas, 2.7 in Metro Manila, 2.5 in Mindanao, and 2.4 in Balance Luzon," sabi ng SWS.

Sa mga lugar kung saan nagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) gaya ng Metro Manila, kadalasang hinihingian ng quarantine pass ang mga lumalabas ng bahay upang magawa ang essential tasks gaya ng mga nabanggit sa itaas.

Hindi basta-basta pinapahintulutan ang paglabas-labas ng bahay sa mga ECQ at MECQ areas kung hindi gagawa ng mga naturang "essential" na aktibidad.

Pinapayagan lang lumabas-labas ng bahay ang mga residente para mag-ehersisyo sa mga lugar kung saan nagpapatupad ng mas maluwag na MECQ at general community quarantine (GCQ).

Bagama't mas madalas lumabas ng bahay ang mga tao para bumili ng pagkain, mas malaki ang porsyento ng mga taong lumalabas ng bahay dahil sa gamot at financial transactions na nasa 98%.

Isinagawa ang pag-aaral sa 4,010 working-age Filipinos mula National Capital Region, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

"The SWS May 4-10, 2020 Covid-19 Mobile Survey is non-commissioned. It was done on SWS's own initiative and released as a public service," sabi pa ng nag-survey.

vuukle comment

COMMUNITY QUARANTINE

FOOD

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with