RJ Jacinto itinalagang DICT usec
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ramon “RJ” P. Jacinto bilang undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Jacinto ang ipinalit sa nagbitiw na Eliseo Rio Jr.
Ayon kay Roque, noon pang Mayo 22 itinalaga si Jacinto sa bagong posisyon.
Tiwala anya ang Malacañang na magsisilbi si Jacinto ng may dedikasyon at integridad at tutulong sa trabaho ng departamento.Co-terminus o magsisilbi si Jacinto sa posisyon hanggang matapos ang termino ni Duterte
- Latest