Community quarantine pairalin sa Eid’l Fitr – Palasyo
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga Filipino Muslim na nagdiriwang ng Eid’l Fitr o Festival of Breaking the Fast na sundin ang guidelines sa umiiral na community quarantine.
Sinabi ni Andanar na nagpaabot din ng pagbati sa mga Muslim sa pagdiriwang nila ng Eid’l Fitr, na hindi biro ang paggunita sa Ramadan dahil sa kinakaharap na problema sa COVID-19.
Isang hamon din umano ang hindi paghahati o pamamahagi ng pagkain at magdasal ng sama-sama sa buong buwan ng Ramadan.
Umasa din siya na ngayong tapos na ang Ramadan ay magiging sandalan ito ng mga Muslim para maisabuhay pa ang islamic virtues.
- Latest