^

Bansa

P3.1 bilyong tulong ng PCSO vs COVID

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Kabuuang P3.1 bilyon ang tulong na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.

Sinabi ni  PCSO General Manager Royina Garma, P2.2 bilyon ang advance dividend payment na unang inilabas nila sa Department of Finance (DOF) upang magamit ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

Aniya, ito ay bilang pagtalima na rin sa Republic Act 7656 na nagsasaad na ang isang government-owned and controlled corporations (GOCC) na magdeklara na dibidendo sa national government upang magamit sa mga emergency cases katulad ng COVID pandemic.

Sinabi pa ni Garma na kahit tigil ang kanilang ope­rasyon sa ngayon ay hindi ito hadlang sa pagbibigay nila ng ayuda sa gobyerno gayundin sa mga nanga­ngailangan ng financial assistance sa mga mahihirap na kababayan.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with