P20 bilyon ng OWWA gamitin sa OFWs
MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gamitin ang mahigit sa P20 bilyong pondo para matulungan ang mga OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Drilon, hindi dapat tinitipid ng OWWA ang pagtulong sa mga OFWs dahil bukod sa mahigit na P20 bilyong pondo ay may natatanggap pang subsidy ang ahensiya mula sa national government.
Sabi ni Drilon, hindi dapat unahin ng OWWA ang “return of investment” ng pondo dahil ito naman ay pera ng mga OFWs na dapat napapakinabangan lalo na ngayong may krisis.
Para sa senador, hindi sapat ang P500 milyong nagastos ng OWWA para tulungan ang mga OFWs.
Balak ni Drilon na maghain ng isang resolusyon upang imbestigahan ng Senado kung ano na ang tulong na ginawa ng OWWA at kung ano pa ang maaaring ibigay ng ahensiya. Ang OWWA ay itinayo hindi dahil sa investment kung hindi para tumulong sa ating mga OFWs, dagdag niya.
- Latest