Ilang residente sugatan sa 5.4 magnitude na lindol
MANILA, Philippines — Ilang residente ang nasugatan habang napinsala naman ang quarantine facility at naapektuhan din ang supply ng tubig sa pagtama ng 5.4 magnitude ng lindol sa San Luis, Aurora na naramdaman din sa Metro Manila at karatig lugar kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD), hindi pa batid ang bilang ng mga nasaktan sa lindol na ang sentro ay natukoy sa layong 16 km timog kanluran ng San Luis. May lalim itong pitong kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, nagtamo rin ng pinsala ang quarantine facility para sa COVID-19 patients.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 6 sa Baler, Aurora; Intensity 5 sa San Luis, Dipaculao at Maria Aurora, Aurora; Intensity 4 sa Casiguran, Dingalan, Aurora; Gabaldon, at Palayan City, Nueva Ecija. Intensity 3 sa Obando, Bulacan; Villasis, Pangasinan; Parañaque; Antipolo, Rizal; at Intensity 2 sa Santo Domingo, Nueva Ecija; Malolos City, Plaridel, Bulacan; Baguio; Manila; Malabon; Navotas; Quezon City; Valenzuela at Intensity 1 sa Gapan City, Nueva Ecija; Guinayangan, Quezon.
Patuloy pa ang assessment sa naging pinsala ng lindol habang inaasahan ang aftershocks.
- Latest