^

Bansa

Dayuhang nakaalitan ng pulis habang lockdown ipinade-deport ng immigration

Philstar.com
Dayuhang nakaalitan ng pulis habang lockdown ipinade-deport ng immigration
Kuha ng tangkang pag-aresto ng Philippine National Police kay Javier Salvador Parra ng Makati City
Video grab mula sa misis ni Javier Salvador Parra

MANILA, Philippines — Hinainan ng "deportation" charge ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Espanyol matapos makaalitan ang isang pulis sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Makati noong Abril.

Kinumpirma ni BI Commissioner Jaime Morente ang charge laban kay Salvador Parra, na nakatikim ng pamimisikal ng pulis matapos umiwas sa pagkakaaresto nang ipagtanggol ang kasambahay na nagdidilig nang walang facemask sa bakuran.

 

 

Una nang iginiit ni Parra na hindi dapat parusahan ang kanyang kasambahay dahil nagdidilig lamang siya sa loob ng kanilang pamamahay. Sugatan tuloy ang banyaga nang magkagirian.

Pero banggit ng BI, "overstaying" at "undesirable" na raw ang banyaga kung kaya't nararapat na ma-deport palabas ng Pilipinas.

"Foreign nationals who are here in the country are expected to follow Philippine laws, especially in these special times wherein public health and safety is at risk," sabi ni Morete.

"There is no exemption, whether you are living in a posh village, or in a slum area, you must obey the law."

May asawang Filipina, nanunuluyan si Parra sa Dasmariñas Village, isang eksklusibong lugar sa Lungsod ng Makati.

Sabi pa ng bureau, maaaring ituring na "undesirable alien" ang mga dayuhang tahasang nagbabalewala sa batas at bumabastos sa otoridad.

Una nang ipinasusumite ng counter-affidavit si Parra upang sagutin ang mga reklamo sa kanya ngunit tumanggi raw na tugunan ito. 

Nagdaan na lang tuloy ang ika-21 ng Mayo, na takdang petsa ng pagsusumite, nang hindi siya nagco-comply kahit bukas naman daw ang tanggapan ng BI.

Overstaying?

Maliban diyan, sobra-sobra na raw ang panahong inilagi ni Parra sa Pilipinas alinsunod sa batas, dahilan para mapaalis siya ng bansa.

"Upon investigation by our intelligence division, it was confirmed that he has failed to extend and has already overstayed his visa," sabi ni Morete.

Pursigido ang panig nina Morente na itulak ang kaso para magsilbing halimbawa na rin daw sa mga dayuhang nais lumabag sa batas.

Ang nasabing deportation case ay hiwalay pa sa mga kasong kriminal na inihain laban sa kanya ng pulis. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPORTATION

LOCKDOWN

MAKATI

SALVADOR PARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with